LYRIC

Verse I
Hindi mabilang
Na hakbang ang
Aking nilalakbay
Nakadungaw sa bintana
Dumadalangin sa kalangitan

[Refrain] I
Nangangatog na tuhod
Nangangatal pa ang loob
Sa bawat pihit ng panahon
Ako'y tila napapaluhod

[Chorus] Kaya ko bang ipanalo
Ang hagupit ng buhay
Na saki'y sumusubok
Napapagod din ang puso ng tulad ko
Naglalaho na ang isang hibla
Ng pag asa

Verse ii
Mga sugat sa'king palad
Ay siyang naging tatak
Ng masukal na daanan
Na aking tinatahak

[Refrain] ii
Natatakot muling sumubok
Aabutin ba ang tuktok
Anong kahihinatnan
Ng aking pakikipagsapalaran

(Repeat Chorus)

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT