LYRIC

[Verse] Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako’y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay
Hawakan mo’t wag mong bitawan

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako’y nakatingin sayo
Maaari bang wag kang humiwalay
Dahil sandali nalang

[Chorus] Dadating din ang gabing walang pipigil satin
Kung hindi ngayon,
Aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali
Palayain ang pusong di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika’y magiging akin

[Verse] Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

[Chorus] Kung darating din ang gabing walang pipigil satin
Kung hindi ngayon,
Aasa bang maibabalik ang kahapon
Kahit sandali
Palayain ang pusong di mapigil
Sana tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para satin

[Bridge] At sa bawat minutong ako’y di natuto
Ipilit mang iba ako’y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi

Kahit sandali
Palayain ang pusong di mapigil
Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para satin
Kahit sandali
Patawarin ang pusong di tumigil
Para sa ating dalawa ang maling pagkakataon na ika’y magiging akin

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT