LYRIC

Verse I
Isang katiting na ilaw
Isang patak ng pag asa
Hangga't may dahilan
Ay walang aatrasan

Mapang aping tadhana
Pinagdadamot na makita
Ang daan papunta
Sa inaasam na

Refrain
Dasal kong di pa dinidinggin
Pilit pinagkait ngunit alam ko na darating

Chorus
Kaya't hindi na bibitaw
Sa hangin ay isisigaw
Mga pangarap ko'y di na maaawat pa
Kahit na madapa at maligaw
Ingay man ng paligid ay umaapaw
Kung bubuhos ang ulan ay sisikat din ang araw
Subukin man ng mundo ay di na aayaw

Verse II
Nakakalunod na sagabal
Pag usad may bumagal
Kahit may pangamba
Ay di magpapahinga

Sa aking mga balikat
Pasan may bumibigat
Ang daan papunta
Sa inaasam na

(Repeat Refrain & Chorus)

Bridge
Kaya't hindi na bibitaw
Sa hangin ay isisigaw
(2x)

Outro
Pangarap ko'y di na maawat pa
Kahit na maligaw at madapa
Pangarap ko'y di na maawat pa
Kahit na ano pang sabihin nila
(2x)

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT