LYRIC

'Di ako pinalaki ng ganito
Tanghaling tapat, naglalasing sa may kanto
'Di rin ako iresponsableng tao
Nabigo lang talaga ako

Apat na taon ang nawala, balewala
Na dapat ay sapat nang magtapat kung nawala na
'Di mo sinabing nagpalit ka ng
Karera, nangongolekta

Wag mo nang sabihin o aminin
Dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't
Iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala
Kung bawat hinala, tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi
Tanggap ko nang sa panahon ngayon
Tanghali na lang tapat

Iwan na lang ating nakaraan, oh
Iwanan lahat ng naipon nating kwento
Isosoli na lang mga bigay mo
Pati puso mo na akala ko ay totoo
Nasusunog ang lamang loob 'pag naiisip
Na balot na ang labi mo ng laway na 'di akin

'Di mo sinabing nagpalit ka ng
Pangalan, kubeta nga lang

Wag mo nang sabihin o aminin
Dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't
Iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala
Kung bawat hinala, tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi
Tanggap ko nang sa panahon ngayon
Tanghali na lang tapat

Oh oh woah oh oh
Tanghaling tapat
Oh oh oh oh oh
Oh oh woah oh oh
(Tanghali na lang tapat)
Oh oh woah oh oh

Wag mo nang sabihin o aminin
Dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't
Iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala
Kung bawat hinala, tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi
Tanggap ko nang sa panahon ngayon
Wala na

Wag mo nang sabihin o aminin
Dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't
Iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala
Kung bawat hinala, tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi
Tanggap ko nang sa panahon ngayon
Tanghali na lang tapat

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT