LYRIC

Ang dami nang nagbago
Ang dami nang naglaho
Ang dami nang naiwan
Maliban lang sa’yo

Ikaw pa rin ang hanap
Ikaw pa rin pinapangarap
Ikaw lang ang kailangan
Ang tahanan ng puso

Kahit ulit ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko
Wala nang iba
Ikaw lang sinta

Walang ibang hangarin (kundi ikaw)
Walang ibang dinadalangin (sinisigaw)
Walang mamamagitan sa’ting mga puso

Ilang beses nang napagod (di bumitaw)
Ilang beses nang natalo (di umayaw)
Ilang beses din bumangon, lalaban
Sa ngalan ng pag-ibig mo

Kahit ulit ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko
Wala nang iba
Ikaw lang sinta

San man tayo dalhin, handa kong harapin
Aking lalakbayin, dagat lalanguyin
Bundok aakyatin, kung dapat liparin
Lahat ay gagawin para sa’yo

San man tayo dalhin, handa kong harapin
Aking lalakbayin, dagat lalanguyin
Bundok aakyatin, kung dapat liparin
Lahat ay gagawin para sa’yo

Kahit ulit ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko

Kahit ulit ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko
Wala nang iba
Ikaw lang sinta

Pagbabago
Panibago
Hindi na magbabago
Pangarap
Pag-asa
Pag-ibig
Permanente

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT