LYRIC

Paano kong pipitasin
Ang bulaklak sa hardin
Kung wala namang paghahandugan?
Paano kong aabutin
Ang buwan at mga bituin
Kung wala namang pag-aalayan?
Refrain: Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama
At karamay sa aking pag-iisa
O, Bathala, dinggin Mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya
Paano kong aamuin
Ligalig ng damdamin
Kung wala namang masasandalan?
Paano kong bubuuin
Isang buhay na lipos ng pag-ibig
Kung wala namang makakatuwang?
(Repeat Refrain)
Ooohhh…wohhh. Ooohhh…wohhh…wohhh
(Repeat Refrain)
Sana dumating ka na

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT