LYRIC

Minsa'y naiisip kong di sana ganito
Sana'y hindi nalang nangyari 'to
Sana'y di kailangan pang mamili ako
Sa gusto ng iba o bulong ng puso ko

Pangarap ko sana'y magbago ang lahat
At ika'y mahalin yan ang pangarap
Ibigin ka ng tunay at tapat
Ibigin ka ng tunay at tapat
Ngunit di maaari
Hindi ko masabi
Sa pangarap na lang

Kahit anong gawi'y di magaganap
Makamit ang pag-ibig na aking hanap
Kayraming sagabal sati'y nagpalayo
Parang langit at lupang agwat ko sayo

Pangarap ko sana'y magbago ang lahat
At ika'y mahalin yan ang pangarap
Ibigin ka ng tunay at tapat
Ngunit di maaari
Hindi ko masabi
Sa pangarap na lang

At kung magbago ang kapalaran
At wala nang hadlang sa pagmamahalan
Hahanapin ka saan man, kailan man
Katuparan ng pangarap ko

Pangarap ko sana'y magbago ang lahat
At ika'y mahalin yan ang pangarap
Ibigin ka ng tunay at tapat
Ngunit di maaari
Hindi ko masabi
Sa pangarap na lang

Pangarap
Sa pangarap na lang

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT