LYRIC

[Verse] Naririnig mo ba
Ang aking awit kasabay
Ng mga tala’t kuliglig
Kasabay din ng
Kwerdas ng dahong nalalaglag
Umaalembong sa ambon

[Chorus] Naririnig mo ba ako sa ‘yong isip?
Sa gitna ng halo-halong ingay sa iyong paligid
Naroroon ako’t namamalagi
Sa likod at liblib na bahagi ng
Alaala mo…

[Verse 2] Wag kang mag-alala
Di kita minumulto
Sa ‘kin lang naman
Nais ko lang malaman
Kung buhay pa ba ako sa alaala mo

[Chorus] Naririnig mo ba ako sa ‘yong isip?
Sa gitna ng halo-halong ingay sa iyong paligid
Naroroon ako’t namamalagi
Sa likod at liblib na bahagi ng
Alaala mo…liblib na bahagi ng
Alaala mo…

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT