LYRIC

Kaibigan, tila yata matamlay
Ang iyong pakiramdam,
At ang ulo mo sa kaiisip
Ay tila naguguluhan,

Kung ang problema o suliranin
Ay lagi mong didibdibin
Ay tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang iyong mukha
At ikaw ang siyang kawawa

Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay
At nabigla, sinamba mo siya
Binigyan mo ng lahat at
Biglang nawala,

Ang buhay mong alalahanin
At wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang iyong mukha
At ikaw ang siyang kawawa

[Refrain] Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginahawa
Ako'y kadamay mo, at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami, marami pang iba.
Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya, napasama sa iba't napaibang landas
Marami pang malalapitan
Mababait at di naman pihikan
At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa.
Repeat Refrain except last line
Marami pang iba.
[Repeat last verse except last word]

…kawawa.

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT