LYRIC

Kahit di ka na masaya
At para bang ika'y nagsawa na
Di magagawang kumawala
Ipaglalaban ka hanggang hangganan ng kawalan

Di ko pamamarisan
Yung iba sayo di ako lilisan
Kahit di na pinawisan
Sa lamig ng pakikitungo minsan
Di pa kita nakakausap lagi
Humihiling na lang ako sa ulap
Na bumalik lahat namuo nung una
Sana di pa nga tuluyan na humupa

Kahit di ka na masaya
At para bang ika'y nagsawa na
Di magagawang kumawala
Ipaglalaban ka hanggang hangganan ng kawalan

Parang tinta ng pusit ay malabo
Na bumalik yung dating tayo
Pero di kaagad na susuko
Pabalikin pintig ng puso
Kasi di naman sumusunod sa uso
Pagibig kong hatid ay seryoso
Pag ika'y nawala ay guguho ang lahat
At hindi na matutukoy
Sanhi ng lahat, damdami'y mabigat
Sa tuwing binabalewala mo lang at pag
Naiisip na di tayo magkakatuluyan
At lalayo nalang bigla ng hindi nagpaalam
Tatanggapin ko na sana kaso meron pang parang
Konting liwanag na natitirang aking nasilayan
May dahilan pa para pagpatuloy ang laban
At kung hahayaan mo hindi na pababayaan (kaya)

Kahit di ka na masaya
At para bang ika'y nagsawa na
Di magagawang kumawala
Ipaglalaban ka hanggang hangganan ng kawalan

Kahit di ka na masaya
At para bang ika'y nagsawa na
Di magagawang kumawala
Ipaglalaban ka hanggang hangganan ng kawalan

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT