LYRIC

[Verse 1] Patintero
Sa tapat ng bahay niyo
Tayo naglalaro
Kung saan nahahati ang daan
Ng mga linyang nagtuturo
Na kahit laro ay mayroon ding hangganan

[Verse 2] Patintero
Sa ilalim ng araw tayo naglalaro
Kung saan tayo ay sinusundan
Nitong aninong magsasabi
Na bawat galaw
Ay may kahulugan

[Chorus 1] Nais kong mahagip
Ng damdamin na bumubulusok
Liliparin
Nitong natatangi nating pagsuyo
Habulin ang matulin
Na tibok ng ating puso
At ang maiiwang tanong
Nalang ay kung papano

[Verse 3] Tao po
Yayayain sana
Kitang maglaro
Kahit sandali lang
Kung gusto mo
Pwede tayong mag-piko
Pamato mo ang aking puso
At wag mong aapakan to

[Chorus 2] Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko kagad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
At kung ika'y maaabutan
Hinding-hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan, naghahabulan
Naghahabulan

[Verse 4] Halika na
Wala nang tao sa kalsada
Tayo'y maglaro na muna
Kahit sandali lang
Magtago ka
Ako na muna ang taya
Di ako titigil
Hangga't di kita nakikita

[Chorus 2] Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko kaagad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
At kung ika'y maaabutan
Hinding-hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan, naghahabulan
Naghahabulan

[Outro] Itong pag-ibig ay larong kalye

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT