LYRIC

I
Lahat ng bagay ay lumilipas
Natatapos at biglang nawawala
Anumang liwanag sa dilim
Ay nakaukit na lang sa hangin
Ano ba'ng sadya ng paglisan
Sa mundong nasimulan
Kaibigan ang tinig mo'y nasaan?

Dinig mo ba ang panawagan ko sa kalawakan, sa kalawakan?
Nakikita mo ba'ng iginuhit kong pag-ibig
Sa mga bituin?

CHORUS
Hindi mo ba iniisip ang nangyari kung bakit
Kung bakit tayo nandito?
At ang lahat ng bagay ay ibabaon na sa paalam, paalam na lang sa'yo

II
Larawang aking pinagmamasdan
Bawat ngiti ay luhang pumapatak
Ang saya ng nakaraan
Ay napawi ng kalungkutan
Magliliwanag bang muli ang gabing Nagdidilim kaibigan ang awit ay nasaan?
(Ref and cho)
Di ba't isang taon nang nakalipas…
Nakalipas…
Ngunit pumipintig pa rin ang alipin ng iyong mga mata

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT