LYRIC
Sa araw na ito aking mahal
Ay matutupad, ating pinapangarap
Ang pagiisang dibdib nating dalawa
Na tanging Diyos ang nagtakda
O kay sarap isipin, aking sinta
Mga ala-alang sa atin ay nagdaan
Naroon ang lambingan at tampuhan
Na naging bahagi ng ating pagmamahalan
Di magbabago ang pangako ko sa 'yo
Umulan man at umaraw, ako'y kasama mo
Di maglalaho ang pag-ibig ko sa 'yo
Maaasahan mo
At sa tuwina'y lagi mong alalahanin
Na habang nabubuhay, ika'y iibigin
No comments yet