LYRIC

Gabi-gabi kitang nadidinig
Umaawit, di ka pa ba natutulog?
Kinabukasan sasalubungin
Ng liwanag di na magtatago sa dilim

Sa dilim
Sa dilim

Ano bang pabaon ng nakaraan
Na di mo kailan ma’y nalagpasan?
Tumingin ka lang sa paligid mo
O kay ganda ng sikat ng araw

Sandal ka lang sa balikat ko
Iiyak, wag kang matatakot na ibahagi
Makulay mong mundo

Hawakan ang aking kamay
Ako’y kasama’t karamay
Tungo sa payapang bahagi ng mundo

Ng mundo
Ng mundo
Ng mundo

Liwanag at pag-asa’y parating na (darating na)
Kasama ng isang bagong umaga
Anumang lungkot, pangako’y matatapos din
May sasalong ilaw sayong bawat dilim

Sandal ka lang sa balikat ko
Iiyak, wag kang matatakot na ibahagi
Makulay mong mundo

Hawakan ang aking kamay
Ako’y kasama’t karamay
Tungo sa payapang bahagi

Wag kang mangamba
Wag kang mangamba
Wag kang mangamba
Wag kang mangamba
Wag kang mangamba
Wag kang mangamba (tunay na mundo)
Wag kang mangamba (tunay na mundo)
Wag kang mangamba (makulay na mundo)
Wag kang mangamba (tunay na mundo)

Added by

Admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT